WHAT TO DO?

News & Events

Aug
16

Tampok si Bb. Pamaos sa PNU Talks

Ang PNU TALKS o Teaching and Advocacy for Lifetime Knowledge and Skills ay school-on-the-air program ng Philippine Normal University. Ito ay video lecture series na magtatampok ng iba’t ibang paksa mula sa Inang Pamantasan. Layunin nito ang tumalakay ng relevant at functional topics, magamit ang PNU Online Platforms.

Si Angela Mae Pamaos na nagtapos sa PNU-Manila noong 2017 na kasalukuyang isang instruktor sa Dalubhasaang Olivarez ay naimbitahang lumahok dito na ipinalabas noong ika-3 ng Agosto, 2021 sa Facebook Page ng Philippine Normal University. Ang naging paksa niya ay tungkol sa relasyon o ugnayan ng guro at mag-aaral na may pamagat na, “You are Connected: Ang Tulay na Nagpapaigting sa Ugnayan ng Guro at Mag-aaral.” Inihalintulad niya ang sitwasyong pangklase sa kahon. Mula rito ay sinipat niya ang magagawa ng guro sa kahon ng virtual classroom nang magkaroon nang kasiya-siya at makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagbigay din siya ng mga estratehiya sa pagpapaigting ng relasyon sa guro at mag-aaral, mag-aaral sa mag-aaral at maging ang kolaboratibong pagkatuto.

Sa huli, hiniram ni Bb. Angela ang konsepto ng manunulat na si RicKY Lee. Wika niya, “maaaring ikaw na nakikinig ngayon ay nais mong manatili na lamang sa kahon, pangkaraniwang at nakasanayang kahon. O baka nais mong subukang sipatin ang lahat ng posibilidad na maaari mong gawin sa iyong kahon. O baka, maaari tayong lumikha sa labas ng mga kahong ito. Wasakin. At lumikha ng isang klaseng para sa lahat. Isang klase na hindi nang-aapi, hindi nananakal, hindi nandaraya, hindi nangkukulong. Isang klaseng malaya at mapagpalaya.